Rocco na-senti sa ibinentang sports car

Vinia Vivar Mar 7, 2025
15 Views

Naging emosyonal si Rocco Nacino nang makita niyang muli ang first sports car niya na matagal na niyang naibenta.

Sa Facebook ay ibinahagi ng aktor na hindi sinasadyang nakita niya ang kanyang dating red Mustang at hindi niya napigilang maging emosyonal sa reunion nila ng sasakyan. Kinunan pa niya ito ng picture bilang souvenir.

“So nasa pasig kami kahapon, at may lumapit sa akin at sinabi sakin na, “papa ko ang nakabili sa mustang mo. Nandoon lang sa isang kanto.’

“Sabi ko, baka pwede ko siya makita? At napakabait nga ni owner na siya pa nagdala para makita at maidrive ko siya ulit,” kwento ni Rocco.

Super-happy ang aktor na nai-drive niya ulit ang minahal na sasakyan.

“Napakasarap ng pakiramdam na makaupo at makita ang kauna unahang sports car ko. One that I really loved and took care off,” aniya.

“Nakakabit pa rin lagat ng upgrades ko. Tinuro ko nalang ungmga dapat iretouch,” tsika pa niya.

Nang maghihiwalay na sila ay teary-eyed daw siya pero happy naman siya na naaalagaan din ang dating car niya ng bagong may-ari.

“Mangiyak iyak ako nung nakita siya umalis pero masaya ako na alaga siya ng kanyang owner. Car lovers would understand, hindi ito OA. At ayun ang aking storytime. Good moment, good reunion,” sey ni Rocco.

Taong 2013 nabili ng aktor ang red Mustang bilang regalo sa sarili niya at talagang super-love niya ito dahil lagi rin niyang pino-post sa kanyang social media. Lagi niya itong gamit noon at dinadala sa mga tapings.

Noong 2018 ay inanunsyo niya sa Instagram na ibinebenta niya ang sports car dahil gagamitin niya ang pera sa ipinapagawang bahay sa Antipolo at that time.