Suspek Nalambat ng mga pulis sa pamumuno ni Police Major Salvador Inigo ang suspek sa panghahalay sa 12-anyos na biktima sa Sampaloc, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Rape suspek sa Manila dumayo sa CDO, nalambat

Jon-jon Reyes Mar 8, 2025
31 Views

ARESTADO ang obrero ng mga operatiba ng Manila Police District dahil sa 2 counts ng panghahalay at sexual assault sa 12-anyos na babae sa Cagayan de Oro (CDO) City noong Miyerkules.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros, hepe ng MPD Barbosa police station, ang suspek na si alyas Ramil, 30.

Sa pamumuno ni Police Major Salvador “Jhong” Inigo nahuli ang suspek sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng Manila RTC Branch 4.

Ayon sa pulisya, ilang beses umanong ginahasa ng suspek ang 12-anyos na kapatid ng kanyang kinakasama noong 2022 sa inuupahang bahay sa Loyola St., Sampaloc, Manila.

Nakadetine sa City Mobile Force Company Maharlika Detention Facility sa Cagayan de Oro City Police ang suspek at nakatakdang ipresenta sa korte sa Manila.