Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Ivana1

Ivana may panawagan sa mga politiko na gusto siyang kuning endorser

Vinia Vivar Mar 8, 2025
87 Views

Dahil nga malapit na ang eleksyon, dagsa ang offers sa actress at isa sa top content creators ng bansa na si Ivana Alawi mula sa mga politiko para kunin siyang endorser.

Pero aminado si Ivana na napakarami niyang tinanggihang politiko at hindi siya basta-bata nag-e-endorse.

“Napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa politiko. Hindi naman ‘yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas, para sa mga kababayan natin. Ano ’yung makakapagpaganda sa bansa natin,” sey ng Kapamilya actress nang matanong siya tungkol dito sa naganap na thanksgiving party niya for the entertainment press last Friday.

Hindi raw pera-pera para sa kanya ang ganitong bagay.

“Kasi, kung pera, eh, ‘di sana lahat kinuha ko. Eh, di ang yaman-yaman ko na. Hindi, eh. Hindi siya sa pera. It’s what do you believe in and who do you think will make the country a better place,” paliwanag ng dalaga.

Nanawagan pa si Ivana sa mga politikong gustong kumuha sa kanya.

“Sa mga senator, congressman, napaka-choosy ko kasi baka gusto lang niya umupo para sa sarili niya hindi naman para sa ating mga kababayan,” aniya.

Sey pa ng aktres, importante para sa kanya ang pagpili ng tamang leader.

“Ako, wala naman akong alam sa politika, pero alam ko kung paano mamili ng tamang leader. Siyempre, pinag-aaralan ko rin kung anong mga batas ang natutupad, very important ’yun sa akin,” pahayag pa niya.

Sa pagka-choosy na ‘yan ni Ivana ay nakatawag ng kanyang pansin ang Agap Party-list dahil nagustuhan niya ang adbokasya nito na paglaban sa mga karapatan at kapakanan ng mga mangingisda at magsasakang Pinoy at iba pang kasama sa agricultural sector.

Samantala, dahil nga sa malaking tagumpay na tinatamasa ni Ivana sa kanyang vlogging and showbiz career ay natanong din siya kung ano pa ba ang dream niya na gusto niyang ma-achieve.

“Meron akong pangarap na maa-achieve ko, very, very soon. Pangarap ko siya dati pa. So, siguro ‘yun pa lang,” sagot niya.

Ang next naman daw na dream niya ay magkaroon ng sariling pamilya.

“Next pangarap ko is, siyempre, makabuo na ng pamilya, maging housewife. Alam n’yo naman ‘yun. So, hindi pa natutupad ‘yun,” sabi niya.

Hinihingan siya ng clue kung ano ba ‘yung matutupad na dream niya soon pero hindi pa raw niya pwedeng sabihin. Pero itong buwan na raw ito mangyayari.

“Basta matutupad siya at malalaman n’yo agad-agad. Mga this month,” sey niya.

Nang matanong kung may love life ba siya ngayon, aniya ay single na single siya.

Sa ngayon ay wala raw talaga siyang panahon maging para sa sarili niya.

KALADKAREN SINUNDAN NG MISTER SA L.A.

KarenProud na ibinahagi ni Kaladkaren o Jervi Wrightson ang larawan nila ng mister na si Luke Wrightson na sweet na sweet.

Sa Instagram post ni Kaladkaren ay sinabi niyang sinundan siya ng mister sa Los Angeles.

“Look who followed me in Los Angeles,” ang maikling caption ng “Frontline Pilipinas” showbiz anchor.

Pagpapatunay na rin ito na maayos na maayos ang pagsasama nilang mag-asawa na kamakailan nga ay napabalitang on the rocks ang marriage.

Napansin kasi ng netizens na binura umano ni Kaladkaren ang wedding photos nila ni Luke sa Instagram. Dahil dito ay nag-speculate ang netizens na hiwalay na o may problema ang mag-asawa.

Sa isang episode ng “Frontline Pilipinas” ay nilinaw ni Jervi na okay na okay sila ng mister niya.

Aniya, “Lilinawin ko lamang po ‘yung issue tungkol sa’min ni Luke. You know, our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, merong challenges. At hindi rin po nakakatulong na minsan, hindi kami magkasama because Luke is working abroad.

Sey pa niya, “Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson.”