PBB

‘PBB Celeb Collab’ hosts naloka sa ginawa ni Kuya

Vinia Vivar Mar 10, 2025
19 Views

Nakalabas naman agad ang “Pinoy Big Brother” hosts na sina Melai Cantiveros, Alexa Ilacad at Gabbi Garcia na nakulong sa Bahay ni Kuya sa pagsisimula ng “PBB Celebrity Collab Edition” nitong Sunday.

Sa nasabing pilot episode ay nagulat na lang sina Mavy, Melai, Alexa at Gabbi nang hindi na sila pinalabas sa loob ng “PBB” house dahil kailangan muna nilang mapagtagumpayan ang special task na ibinigay ni Kuya.

Kung hindi nila magagawa ang task ay hindi sila makakalabas ng Bahay.

Gulat na gulat si Gabbi, na siyang nagbasa ng mensahe ni Big Brother. Hindi siya makapaniwala na hindi na siya makakauwi ng bahay nila at sey pa niya, “May taping ako bukas!”

Sabi naman ni Melai, “Ako, may mga anak ako, naghihintay sila sa bahay, maawa kayo!”

Pero kahapon (Monday) ay nag-post ang tatlong girls na nagawa naman nila ang task at nakauwi ng bahay. Walang post si Mavy pero baka nakalabas din naman siya.

Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi si Melai ng mga larawan niya kasama ang pamilya habang natutulog.

“Guys nakalabas na ako ng bahay ni kuya, di na ako nakaupdate kagabi kasi sa sala na ako hinintay at naglablab na agad kmi ng mga La Maingay kung Familia. Muntikan na kami kagabi, pa madaling araw ba kaming pinalabas ni BigBrother, and Na BigBOTHER tlaga ako ui kasi pag kakaalam ko Host ako e yun ang usapan tapos naging housmate. hahahah pero nakakagigil dn kayu ate @iamsuperbianca and @iamrobidomingo robi d baaaaa. Pero Labyu BigBrother nakakamis ka, pero ang pagka mis ko sayu, kaya na kita e Love from a far,” caption ni Melai.
Si Gabby naman ay nag-post sa kanyang IG Story at sey niya sa caption, “TY LORD NAKALABAS PA KO WAAAH @PBBABSCBNTV.”

Aniya pa, “Grabe kayo HAHAHA di ko na maintidihan emotions ko Kagabi.”

Caption naman ni Alexa sa kanyang IGS, “SHEEEEEESH!!!!! Naka labas din sa wakas! Grabeng pa-day naman 1 yan, kuya! NAKAKALOKA! #PBBTheBigCollab.”