Ivana

Ivana, kauna-unahang ‘PBB’ celebrity house guest

Vinia Vivar Mar 10, 2025
16 Views

Pasok si Ivana Alawi sa “PBB Celebrity Collab Edition” pero hindi bilang housemate kundi bilang house guest.

Ipinakita na ang aktres/content creator sa pilot episode at pumasok siya sa Bahay ni Kuya na nakasuot ng golden cloak na natatakpan ang kanyang mukha.

Sa confession room ay pinaalis ni Kuya ang kanyang cloak at na-reveal nga na si Ivana ito.

Nang tanungin ni Kuya kung kumusta siya, aniya ay kinakabahan siya.

“Ngayon lang ako nakalayo sa pamilya ko nang walang cellphone, ‘no,” sey ni Ivana.

Binigyan siya ni Kuya ng special task at ito ay ang magpanggap sa mga kasama na isa rin siyang celebrity housemate.

Sinabi ni Kuya na si Ivana ang very first celebrity house guest this season.

Hindi pa malinaw kung hanggang kailan makukulong si Ivana sa “PBB” house.

Samantala, ang walong GMA-7 housemates na pasok sa “PBB Celebrity Collab Edition” ay sina Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, Dustin Yu, Mika Salamanca at Michael Sager.

Ang pitong official housemates naman mula sa Kapamilya ay sina AC Bonifacio, Esnyr, Brent Manalo, River Joseph, Ralph de Leon, Kira Balinger at Klarisse de Guzman.