Nepomuceno todo alalay, malasakit sa mga OFWs
Sep 9, 2026
BIRHENG MILAGROSA DUMALAW SA HERMOSA
Sep 9, 2026
Calendar
Ang tumagilid na Toyota Vios sa Roxas Blvd matapos magkasagian ang Honda Jazz noong Lunes ng umaga.
Metro
Kotse tumagilid sa Roxas Blvd
Jon-jon Reyes
Mar 10, 2025
558
Views
ISANG kotse ang tumagilid sa Roxas Blvd malapit sa Palacio De Manila sa Malate, Manila matapos sumagi sa isa pang kotse noong Lunes.
Ayon kay Police Major Jaime Gonzales Jr., OIC ng Manila District Traffic Enforcement Unit, tumagilid ang Toyota Vios (AAN-4883) bandang alas-7:05 ng umaga.
Kinilala ang driver ng Vios na si alyas Joel at si alyas Jess ang driver ng Honda Jazz (NQJ-532).
Base sa imbestigador na si PSMs John Mark Estrada, binabaybay ng dalawang kotse ang kalsada nang nagkasagian ang likurang kanang bahagi ng mga kotse.
Dahil sa banggaan, nawalan ng kontrol si Joel saka lumihis pakaliwa at tumagilid.
Baril na laruan naharang ng OTS sa NAIA 1
Sep 8, 2026
Ex-PNP chief Torre nag-leave sa MMDA
Sep 8, 2026

