Calendar

Mga kababaihan binigyan ng pagpupugay ni Lapid
NAKIISA si Senador Lito Lapid sa Women’s Month Celebration ng mga kababaihan sa Iriga City nitong nakaraang Huwebes.
Sa selebrasyon ng buwan ng mga kababaehan, binigyan ni Lapid ng rosas ang 12 babaeng lider ng Agta tribe sa Iriga City.
Ikinagalak ng mga kababaehan Agta ang sorpresang pagbibigay ni Lapid ng bulaklak sa kanila bilang pagpapakita ng pagkilala sa kanilang kahalagahan sa kanilang komunidad.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lapid na nakikibahagi siya sa espesyal na pagdiriwang ng kaarawan ng mga kababaihan.
“Saludo po tayo sa kanilang kababaang loob, talino at lakas para itaguyod ang kanilang mga pamilya,” ayon pa kay Lapid.
Dagdag pa ng reelectionist senator, “kayo ang ilaw ng tahanan, walang kapantay ang inyong sakripisyo at pagmamahal sa ating mga pamilyang Filipino.”
“Happy Women’s month sa ating maybahay, mga ate, mga nanay, at mga lola. Mahal na mahal ko po kayong mga nanay. Kinikilala rin po natin ang husay at tatag ng ating mga babaeng lider na matapang na nangunguna at nangangalaga sa ating nga komunidad. Maraming salamat po at mabuhay po kayo,” ani pa ni Lapid.
Malaking bahagi ang gagampanan ng kababaihan sa legislative agenda ni Sen. Lapid na naglalayong pagyamanin ang turismo at agrikultura sa ating bansa.