Senior

Allowance ng seniors sa Manila natanggap na

Edd Reyes Mar 10, 2025
12 Views

INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na nagsimula ng tumanggap ng quarterly allowance noong Lunes ang mga senior citizens sa Manila.

“We were able to double the senior citizens’ allowance to P1,000 per month because of effective revenue collection and prudent management,” ayon sa alkalde.

Para maayos ang pamamahagi ng allowance, ginawang quarterly ni Mayor Honey sa halip na tuwing ika-4 na buwan ang pamamahagi sa mga seniors.

“This adjustment was made following improvements in implementation and validation of the registry of seniors,” paliwanag ng alkalde.

Inaasahang makakatanggap ang may 194,529 na mga senior citizens sa anim na distrito ng Manila na kumakatawan sa 43,519 seniors sa district 1, 27,539 sa district 2, 22,805 sa district 3, 31,077 sa district 4, 36,603 sa district 5 at 31,986 sa district 6.

Batay sa schedule, unang ipamamahagi ang allowance na P3,000 ng mga seniors na naninirahan sa una at ikalawang distrito ng Tondo na para sa Enero, Pebrero at Marso 2025.

Ipinaliwanag ng alkalde na kung ang senior umabot sa edad na 60 nitong Pebrero o Marso, mas mababa ang kanilang tatanggaping allowance.

Kung hindi kayang magtungo sa barangay ng mga seniors dahil maysakit, pupuntahan sila ng mga barangay officials sa kanilang tahanan o ospital upang ibigay ang allowance.

Pinutol na ng alkalde ang paggamit ng debit card sa pamamahagi ng allowance dahil karamihan sa mga seniors nalilimutan ang PIN number at ang ilan nawawaglit ang card at posibleng mapunta sa iba kaya hindi napapakinabangan ang pera.