Pops

Kapamilya singing contest mala-‘Encantadia’

16 Views

Mala- ‘Encantadia ang concept ng TNT All-Star Grand Resbak 2025 na nagsimula nitong Lunes, Marso 10, sa “It’s Showtime.”

Napansin namin na habang isinasagawa ang mediacon ng TNT All-Star Grand Resbak 2025 kamakailan, ipinakita sa likod ng 48 resbakers ang mga logo ng Alab, Alon, Amihan at Agimat. Ito ay tulad ng apat na kingdom sa “Encantadia” — Fire, Air, Water and Earth.

Kaya pala sabi ng mga hurado ay magpapagalingan ang apat na grupo at kapag hindi nanalo ay tuluyan nang mamaalam sa TNT All-Star Grand Resbak 2025 journey.

Nagdagdag nga pala ito ng dalawang hurado — sina Pops Fernandez at Lani Misalucha. Makakasama na sila nina Ogie Alcasid, Jed Madela, Karylle at Louie Ocampo.

Ang 48 resbakers ay hahatiin sa tig-12, na ilalagak sa apat na bahay, ani Karylle.

Sinabi rin niya na masaya sila nina Ogie na makatrabaho sina Pops at Lani.

“It came as a surprise. I’m just really excited to work with Pops and Lani again and to show them how fun it is to be here,” sambit ng TV host/actress.

Say naman ni Louie, “I’m excited and very nervous because to be surrounded by these talented people, I have to be prepared. To be part of this group, ito ‘yung tunay na ‘TNT.’ Tried and tested.”

Mula kay Jed, “Sobrang saya ko na nabibigay sila ng isa pang opportunity para ipakita kung gaano sila kagaling. Exciting ito kasi salang-sala sila itong grupo na ito.”

Ayon naman kay Ogie ay ang TNT ang pinakamahirap na singing competition sa buong mundo.

“Napakaganda ng format this season. Patibayan talaga ito. It is nice to see old faces and new faces. Alam niyo itong ‘Tawag ng Tanghalan’ ang pinakamahirap na singing contest. It stands the test of time. It’s like a marathon.”

Ang 48 resbakers ay binubuo nina Psalm Manalo, Dior Bronia, Lee’anna Layumas, Niña Holmes, Nowi Alpuerto, Yen Victoria, Phoebe Salvatierra Miano, Arvery Lagoring, Eunice Encarnada, Judylou Benitez, Mark Justo, Tenten Pesigan at Vensor Dumasig.

Pasok din sina Aboodi Yandog, Adrian Manibale, Ayegee Paredes, Jezza Quiogue, Marko Rudio, Shamae Mariano, Shirlyn Hida, Charizze Arnigo, Eich Abando, Rachel Gabreza, Shanne Gulle,Froilan Cedilla, Raymundo Alvarez, Marco Adobas, Makki Lucino, Nicole Yu, Isaac Zamudio, Raven Heyres, Jeremiah Tianco, Dylan Genicera at Shawn Agustin.

Abangan sina Keith Perez, Aliyah Quijoy, Antonetthe Tismo, Jomar Pasaron, Kim Nemenzo, Chin Chin Abellanosa, John Ramirez, Aihna Imperial, Lady Ramento, Maty Cabagte, Mariel Reyes, RG Mia at Venus Pelobello.

Bukod sa Kapamilya channel at GMA, napapanood din ang “It’s Showtime” simula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Online Live YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC. Reggee Bonoan