Roque

USD 76 billion investment plan, ikinakasa ng DTI

Chona Yu Mar 15, 2025
15 Views

PUSPUSAN ang pagtatrabaho ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque na maging top destination ang Pilipinas para sa nga global investors ngayong 2025.

Ayon kay Roque, nakausap na ng DTI’s Foreign Trade Service Corps. (DTI-FTSC) ang mga investors na nagbunga ng 247 investment leads and projects na nagkakahalaga ng mahigit USD 76 billion (P4 trillion).

Sa naturang bilang, 51 projects ang nasa advanced stages na: 28 companies ang nakapagpa-rehistro na sa Securities and Exchange Commission o nakikipag-ugnayan na sa investment promotion agencies; habang 23 ang nagtapos na sa commercial operations.

Kabilang sa mga investments ang nasa industriya ng manufacturing, information technology and business process management, renewable energy, data centers, retail, agriculture, at telecommunications.

Ayon kay Roque, nakaangkla ang progama sa target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na economic agenda na layuning nakaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

Nabatid na noong 2024, 1,900 exporters ang natulungan naman ng Philippine Trade and Investment Centers (PTICs) na makahanap ng bagong merkado.