Calendar

P1M na shabu nakuha kay lolo
HALOS P1 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska ng mga pulis sa 60-anyos na lalaki ng magbenta ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer sa Taguig City.
Nahuli ng mga tauhan ni Taguig Police Chief P/Col. Joey Goforth si alyas Edwin nang tanggapin ang P6,500 na markadong salapi sa inakala niyang buyer kapalit ng ibinentang shabu sa Kalamunggay St., Brgy. Western Bicutan alas-10.00 ng gabi.
Sinabi ni Goforth sa kanyang ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Manuel Abrugena na nakumpiska nila sa senior citizen ang 136.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P926,160 at 21.3 na gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops na nagkakahalaga ng P2,556 pati na rin ang markadong salapi na kinabibilangan ng isang tunay na P500 at anim na piraso ng tig-P1,000 na pekeng salapi.