Andrea umaming nailang kay ‘Kuya Jake’

Vinia Vivar Mar 15, 2025
11 Views

Inamin ni Andrea Brillantes na hindi naging madali para sa kanya ang magdesisyon na sumabak sa daring scenes.

Kamakailan nga kasi ay napanood siya in her very first love scene sa “FPJ’s Batang Quiapo” kapareha si Jake Cuenca.

“It was difficult, behind the scenes. It was difficult for me being Blythe, but Andrea Brillantes, wala masyadong problema, it’s her job and it’s her work,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

“Ang daming doubt, dapat ko bang gawin ito? Is now the time for this? Ang daming questions, ilang beses ako nagpa-counsel. Sabi ko, ‘Lord, please guide me.’ Nagawa ko siya and thankful ako sa mga reactions ng mga tao,” she said.

Aminado rin ang aktres na nag-alala rin siya sa sasabihin ng kanyang fans.

“Mas nag-expect ako ng mga violent reactions mula sa mga tao, wala, actually. Ang daming nakaintindi na it’s part of my work,” saad niya.

“It’s my job as an actress,” sambit pa niya.

“Kine-claim ko kasi ang pagiging versatile actress ko. I can’t claim my versatility if I cannot do roles like this,” dagdag ng aktres.

Kaya naman kahit mahirap for her, kinaya niya ang hamon.

“It was a bit difficult for me personally, but bilang Andrea Brillantes, laban! Time to explore, time to accept new roles, challenging roles!” pahayag ng dalaga.

Thankful din si Blythe sa kaparehang si Jake dahil napaka-gentleman daw nito, gayundin sa direktor at sa buong staff sa pag-alalay sa kanya.

“Ako ay nagpapasalamat kay Kuya Jake. Nagpapasalamat ako sa buong staff, kay Direk. Minemake-sure nila na nasa safe space ako, na safe space ito and I don’t feel violated or exploited. I don’t feel offended in any way. Lagi akong sinasabihan ni Kuya Jake na ‘Let me know if hindi ka comfy’,” aniya.

Although aminado siyang may konting ilang factor dahil kuya ang turing niya kay Jake.

“Medyo awkward nang konti lang kasi ‘kuya-kuya’ ko siya. Nu’ng dati kong naka-work siya, I was just 14 lang noon. Tinawanan na lang namin pero kasi parehas kaming aktor,” wika ni Andrea.