NBI Sinisiyasat ng mga operatiba ng NBI ang mga expire na karne matapos na nadiskubre sa San Ildefonso, Bulacan. JONJON C. REYES

Karneng nabubulok nasamsam sa Bulacan

Jon-jon Reyes Mar 16, 2025
20 Views

NASABAT ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation-Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) ang tinatayang P600 milyon na halaga ng mga pasong karne mula sa Atkins Import and Export Resources Inc. sa Meycauayan City, Bulacan kamakailan.

Sa operasyon na iniutos ni Director Jaime Santiago, nadiskubre ng NBI-CELRO sa isang bodega ang napakalaking cache ng mga expired na meat products na tinatayang nagkakahalaga ng P600 million.

Ayon kay Santiago, ang mga produkto natagpuan sa isang kontaminadong lugar.

Bumungad sa mga agents ang masangsang na amoy at nabubulok na mga karne.

Ang mga nasamsam na produkto sinunog ng mga operatiba sa pasilidad ng Far East Fuel Corporation sa San Ildefonso, Bulacan bilang pagsunod sa mga protocol sa kaligtasan.

Ang NBI-CELRO magsasampa ng mga kaso laban sa mga responsableng partido sa loob ng Atkins Import and Export Resources, Inc. at papanagutin sila sa ilalim ng mga kaukulang batas ng penal.