Kyline titipirin ang sarili ngayong 2025

Vinia Vivar Mar 17, 2025
21 Views

Magsisimula na raw magtipid si Kyline Alcantara this year dahil sa kanyang goal na maibili ng bahay ang kanyang pamilya.

“’Yung dream house ko para sa aking pamilya, para siyempre settled na sila and then ‘yung dream house ko naman talaga na para sa aking sarili, in the future pa po ‘yun,” sey ng Kapuso actress sa kanyang panayam sa “24 Oras.”

Ito nga raw ang dahilan kung bakit super-kayod si Kyline at panay ang tanggap ng projects at mga endorsement.

Sa ngayon ay may bago ulit proyekto si Kyline sa GMA after her afternoon prime series na “Shining Inheritance” pero hindi pa niya pwedeng sabihin ang detalye.

Basta excited na raw siya sa kanyang next project.

“Makakasama ko dito, isa sa mga tinitingala kong artista sa henerasyon namin at dahil alam ko na marami ako matutunan sa kanya as a person and, of course, as an artist,” ang pahaging ni Kyline sa bagong proyektong gagawin.