Hostage Hawak ni P/Lt. Col. Alvin Christopher Ace Baybayan, commander ng MPD police station 2 ang naarestong suspek na nang-hostage ng kapatid niya.

Kuya sumuko pagkatapos i-hostage si bunso

Jon-jon Reyes Mar 17, 2025
11 Views

NAPASUKO ng mga operatiba ng Manila Police District-Moriones Police Station 2 ang lalaki na hinostage ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki sa C.M. Recto Ave., Brgy. 12, Tondo, Manila noong Lunes.

Kinila ni Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher Baybayan ang suspek na si alyas Alex, 31, at si alyas Arnel, 28, ang biktima.

Bandang ala-1:00 ng hapon nangyari ang hostage-taking na nagsimula sa pagtatalo ng magkapatid.

Nahawakan ng kanyang kapatid ang biktima habang nakatutok ang kutsilyo sa kanya.

Rumesponde ang mga pulis sa pangunguna ni Baybayan at sinubukang pakalmahin at makipag-ayos sa suspek.

Sa takbo ng negosasyon, hiniling ng suspek na susuko lamang siya kung naroroon ang kanyang ina.

Sumuko ang suspek ng makita ang kanyang ina.

Nahaharap ang suspek sa kasong grave coercion, grave threat, alarm and scandal at paglabag sa BP 6.