Calendar

Isko, Chie tandem suportado ng 3 grupo
TATLONG organisasyon sa Maynila ang nangakong susuportahan ang kandidatura nina Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Chie Atienza at buong tiket ng “Yorme’s Choice” sa eleksyon sa Mayo 12.
Dinaluhan ang pledge of support ng Kababaihan ng Maynila, Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA) at Kaagapay ng Manileño noong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium na dinaluhan ng libo-libong mga taga-suporta.
Umingay sa venue nang magsalita si Isko lalo na nang sabihing: “Mga KABAKA, Kababaihan, Kaagapay, handa na ba kayo, ready na ba kayo?”
Kumpiyansa ang dating alkalde na ang suporta ng tatlong grupo malaking tulong upang matiyak ang panalo sa halalan.
Nangako ang ka-tandem ni Domagoso na si Atienza na ibubuhos ang tulong at suporta sa liderato ni Domagoso upang maging mabisang bise-alkalde.
Sinabi naman ni dating 5th District Rep. Amado Bagatsing na kaisa siya sa hangarin ni Domagoso na ibalik ang disiplina, kalinisan at kaayusan sa Maynila.