Buslig QCPD acting director, P/Col. Melecio M Buslig Jr.

Parak-QC mino-monitor 162 schools vs criminality

18 Views

SINABI ni Quezon City Police District (QCPD) acting director, P/Col. Melecio M Buslig Jr. na 162 paaralan ang minomonitor ng mga pulis upang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral sa anumang kriminalidad.

Sa pamamagitan ng Project Ligtas Eskwela, nagtatag ang QCPD ng 151 Police Assistance Desk (PADS) malapit sa mga pasukan ng paaralan upang magbigay ng suporta sa mga mag-aaral, guro at mga magulang.

Bukod dito, 157 na aktibidad ang isinagawa, kabilang ang flag-raising ceremonies, pagsasagawa ng foot patrol, at pakikipag-usap sa mga administrador ng paaralan, mga magulang at mga mag-aaral upang matiyak na hindi na mauulit ang mga nangyayaring krimen sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga mag-aaral.

“Sa pamamagitan ng Project Ligtas Eskwela, napapanatili natin ang pakikipag-ugnayan sa ating mga mag-aaral at mga guro,” pahayag ng QCPD chief.