Bakeshop na iniendorso ni Kim kinondena ang insidente sa Mindanao

Vinia Vivar Mar 19, 2025
17 Views

Masayang-masaya si Kim Chiu sa natanggap na flowers and letters mula sa kanyang ine-endorsong bakeshop.

Ibinahagi ng aktres sa Instagram Story ang bulaklak gayundin ang nilalaman ng liham.

“Just read the letter from my @juliesbakeshop family they gave me flowers and a letter which I just read today,” caption ni Kimmy. “Thank you fam. What a great way to start the week. Good morning mga Ka-Freshness!!!!” aniya pa.

Mababasa sa handwritten letter na hindi nila kinukunsinti ang nangyaring insidente sa Mindanao at gumawa na sila ng kaukulang hakbang hinggil dito.

Narito ang kabuuan ng liham: “Dear Kim, congratulations in advance on the success of your movie! Please know that we are here for you and fully support you. We do not condone the recent incident in Mindanao, and rest assured that we have already steps to address the matter.

“Once again, thank you for being our ka-freshness!

“Love, Julie’s family.”

Magugunitang naging trending at viral ang larawan ng bakeshop sa Indangan, Davao City, kung saan ay tinanggal sa tarpaulin ang mukha ni Kim.

Ito ay matapos ang ‘dasurv’ dialogue ng aktres sa “It’s Showtime” na ipinalagay ng netizens, partikular na ang supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na patungkol ito sa pagkaka-aresto ni Digong.

Dahil dito, katakot-takot na bashings ang natanggap ni Kim mula sa DDS at kung ano-anong masasakit na salita ang ibinato sa kanya.

Hinihinala ng fans ni Kim na supporter/s ni Duterte ang nagtanggal ng mukha ng aktres sa taurpalin kaya niresbakan nila ito.

Marami namang fans ni Kim ang natuwa sa ginawang aksyon ng bakeshop sa Davao branch, pero ayon naman sa iba, dapat pa ring mag-issue ng official statement ang naturang bakery.