Rape

BFF timbog sa panghahalay ng bebot

Edd Reyes Mar 19, 2025
19 Views

TIMBOG ang sales assistant na akusado sa panghahalay sa kanyang babaeng BFF (best friend forever) nang matukoy sa kanyang kinaroroonang lugar Lunes ng hapon sa Paranaque City.

Dakong alas-5:10 ng hapon nang maisilbi ng mga tauhan ni Paranaque Police Chief P/Col. Melvin Montante kay alyas “Michael” sa kanyang tinutuluyang lugar sa Sta Rita St., Daang Batang Moonwalk ang warrant of arrest na inilabas ni Paranaque Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Marie Grace Javier Ibay na may petsang Pebrero 25, 2025 para sa kanyang kinakaharap na kasong panggagahasa.

Iniulat ni Montante kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Manuel Abrugena na walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas Michael na nakapiit ngayon sa Paranaque Police Station Custodial Facility habang hinihntay ang paglalabas ng commitment order ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Batay sa natanggap na impormasyon ng pulisya, niyakag umano ng akusado ang kanyang BFF na mag-inuman na pinagbigyan naman ng dalaga subalit ng kapuwa na sila malasing, dito na umano sinimulang halayin ni alyas Michael ang biktima na hindi magawang makapanlaban bunga ng kalasingan.

Nagpaabot naman ng pagbati si BGen. Abrugena sa Paranaque Police Station sa agarang pagkakadakip sa akusado na nasa Top 7 Most Wanted Person ng lungsod na aniya ay bahagi ng kanilang maigting na kampanya sa pagbibigay katarugan sa mga nagiging biktima ng karahasan at pagkakaloob ng proteksiyon at kaligtasan ng publiko.