Rodriguez Atty. Vic Rodriguez

Desisyon ng nakararaming Pilipino irespeto—Atty. Vic

255 Views

DAPAT umanong irespeto ang desisyon ng nakararaming Pilipino na nagpanalo kay presumptive president Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, ang tagapagsalita at chief of staff ni Marcos matapos na maghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga nananawagan na kanselahin ang kanyang kandidatura noong Mayo 9.

“I appeal to those who keep on pursuing this divisiveness, the Filipino people have spoken and an overwhelming majority has voted president-elect Bongbong Marcos and VP-elect Inday Sara Duterte into office as president and vice president,” sabi ni Rodriguez.

Iginiit din ni Rodriguez na naresolba na ng Commission on Elections (Comelec) ang isyu at ibinasura nito ang petisyon na pagbawalang tumakbo si Marcos sa katatapos na halalan.

“I appeal to you, instead of pushing for your agenda of animosity, tulungan nyo na lang muna kami na pagtuunan at gamitin natin ang ating limitadong oras araw-araw. We’re all limited to 24 hours in a day. Allow us to be more productive and learn to respect will of the Filipino people,” dagdag pa ni Rodriguez.

Mahigit sa 31 milyon ang bumoto kay Marcos batay sa unofficial tally mula sa transparency serve ng Comelec.