Catriona masaya na muli ang puso

Vinia Vivar Mar 25, 2025
22 Views

Matapos ang breakup kay Sam Milby early this year, happy na ang puso ni Catriona Gray ngayon.

Sa panayam sa Miss Universe 2018 ni MJ Marfori sa isang event recently ay nakumusta sa kanya ang lagay ng kanyang puso.

“I’m really good naman. I mean I have so many blessings this year. I’m surrounded by incredible people. My heart is happy naman,” sagot ni Catriona.

Hindi nga lang malinaw kung happy ba ang puso niya because may bago na siyang pag-ibig o ano.

Sa ngayon daw, ang advocacy ng beauty queen ay slow-living and anti-stress life.

“Ayun na nga, kini-create ko na ang home ko, parang to be like a sanctuary for me. So talagang it made sense. This collection sana will help create sanctuaries for other people to come home to, to rest, and to have slow-living,” sey niya.

Kapag wala raw trabaho si Catriona ay mas pinipili niyang mag-stay sa bahay na tinawag niyang “Casa de Gray.”