Rep. Villar

Villar muling naninindigan para sa gender equality

Mar Rodriguez Mar 28, 2025
35 Views

Rep. Villar Rep. Villar Rep. VillarMULING ipinahayag ni House Deputy Speaker at Nationalista Party (NP) senatorial candidate Camille A. Villar ang kaniyang paninindigan at adbokasiya para sa “gender equality” alinsunod sa pagdiriwang Women’s Month sa Bayan ng Baybay, Leyte.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Villar si Philippine Councilor’s League Chapter President Carmin Cari gayundin si Mayor Boy Cari, Vice-Mayor Ernesto Butawan, Rep. Carl Nicolas Cari at lahat ng lokal na opisyal na nag-imbita sa kaniya sa selebrasyon ng Women’s Month.

Sa kaniyang mensahe, hinihikayat ni Villar ang mga kababaihan na ipagpatuloy lamang ang kanilang paglilingkod sa lokal na pamahalaan sa kabila ng napakaraming papel at obligasyon ang kanilang ginagampanan para sa kanilang pamilya at career.

Pagbibigay diin ni Villar na ang pag-asenso ng isang Siyudad at Lipunan sa kabuuan ay dahil sa mga kababaihan bunsod ng napakahalagang papel na kanilang ginagampanan hindi lamang para sa kanilang pamilya bagkos para sa pag-unlad ng bansa.

“Ang bahagi ng pag-asenso at pagpapaganda ng isang Siyudad ay dahil sa mga kababaihan. Dahil tayo po ay hindi lamang ilaw ng ating tahanan, tayo din ang ilaw sa ating Siyudad. Mahalagang papel ang ginagampanan nating mga kababaihan para sa ating bayan,” wika ni Villar.

Samantala, ininderso ni Pampanga Vice-Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda si Villar kasabay ng pagbibigay nito ng buong suporta para sa kaniyang Senatorial bid para sa 2025 mid-term elections.

To God be the Glory