Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Suspek Hindi na nakapalag ang suspek matapos arestuhin at posasan ng mga pulis dahil sa kasong statutory rape sa Tondo, Manila.

Suspek sa rape nasakote

Jon-jon Reyes Apr 8, 2025
65 Views

HIMAS-rehas ang lalaki matapos na naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Delpan police station 12 dahil sa kasong 4 na counts ng panggagahasa sa Brgy. Maybunga, Pasig City noong Linggo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, commander Delpan police station 12, mahigit isang taong nagtago si alyas Kwatog, 47, bago nahuli.

Natiklo siya ng maispatan ng mga pulis sa pamumuno ni P/Lt. Ferdinand Omli, hepe ng Intel and Warrant and Subpoena Section, at ni PLt. Ariel Galvelo.

Inaresto ang suspek sa kasong 4 counts ng statutory rape at walang nakalaang piyansa.

Kapitbahay ng suspek ang biktima na kanyang ginawang labandera sa kanyang tirahan kung saan naganap ang panghahalay.