DOLE

P55 dagdag sa daily minimum wage sa Bicol inaprubahan

241 Views

INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board V (RTWPBs) ang dagdag na P55 sa arawang minimum na sahod sa Bicol Region.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag sahod ay hahatiin sa dalawa. Ang una ay nagkakahalaga ng P35 na agad na ibibigay at ang P20 ay sa Disyembre 1, 2022.

Kapag nakumpleto ang dagdag sa sahod ay aabot na sa P365 ang arawang minimum sa Bicol Region.

Inaprubahan din ng Board ang pagtataas sa P4,000 sa sahod ng mga domestic worker sa rehiyon. Ito ay dagdag na P1,000 sa mga domestic worker na nasa chartered city at first-class municipality at P1,500 na dagdag sa iba pang munisipalidad.