Kongreso Ipinrisinta nina (mula kaliwa) Senate Secretary General Atty. Myra Marie Villarica, Senate Majority Leader Migz Zubiri, Senate President Vicente “Tito” Sotto lll, House Speaker Lord Alan Velasco, House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez and House Secretary General Mark Llandro Mendoza ang unang binuksan na ballot boz mula sa Cambodia sa ginaganapa na President and Vice President Canvass 2022 sa Kamara de Representantes. Kuha ni VER NOVENO

Sotto siniguro maayos, malinis na pagbilang ng mga balota

259 Views

THE primordial task of Congress is to ensure that the sovereign will of the people expressed through the ballot is respected and upheld. Thus, Congress shall determine the authenticity and due execution of the certificates of canvass submitted to it in accordance with applicable laws in an orderly and transparent manner.”

Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III matapos pormal ng nagsanib ang dalawang kapulungan Ng Kongreso Martes sa isang joint public session sa Kamara upang opisyal na bilangin ang boto ng mga balota sa nakaraang May 9, 2022 sa labanan ng pagka pangulo at pangalawang pangulo.

Sinabi pa ni Sotto na pumasok na ang mga balota sa San Juan City noong May 9, 2022 10:28 p.m. at ng siyudad ng Malabon na pumasok naman buong May 10 Ng 6:56.ng gabi.

Kasunod naman nito ay ang pagpasok ng mga absentee voting mula sa Philippine Embassy ng Cambodia nuong May 11, 6:59 ng umaga.

Tumatayang 157 na COCs na ang pumasok at inaasahan ang 16 na COCs pa ang aabangan sa mga susunod na araw.