Martin Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Speaker Romualdez: Pagsasabatas ng PH Islamic Burial Law patunay ng pagtupad ng gobyerno sa pangakong dignidad, inklusibidad at respeto sa pananampalataya

Mar Rodriguez Apr 22, 2025
26 Views

PINURI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsasabatas ng Republic Act (RA) No. 12160, o ang Philippine Islamic Burial Act, na isang makasaysayang hakbang tungo sa tunay na inklusibidad, pagiging sensitibo sa kultura, at dangal ng bawat isa.

“This law is a quiet but powerful affirmation that the Filipino government listens, understands and acts. With RA 12160, we are proving that governance is not merely about passing policies; it is about honoring people’s faith, their identity and their traditions, even in their final hours,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng 306 kinatawan ng Kamara de Representantes.

Nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Philippine Islamic Burial Act upang mailibing ang mga labi ng mga Muslim sa loob ng 24 oras mula sa oras ng kanilang pagpanaw, alinsunod sa mga kaugalian at ritwal ng relihiyong Islam.

Itinatakda ng batas ang mga tamang proseso na susundin ng mga ospital, punerarya at mga ahensiya ng pamahalaan upang matiyak na hindi mahahadlangan ng mga administratibong proseso ang banal na gawaing ito, habang isinasaalang-alang pa rin ang mga panuntunang pangkalusugan ng publiko.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na tinutugunan ng batas ang matagal nang suliranin ng mga Pilipinong Muslim, lalo na sa mga lugar na kulang sa institusyonal na suporta para sa pagsasagawa ng Islamic burial rites.

“This measure uplifts our Muslim brothers and sisters who, for years, have struggled to uphold a basic tenet of their faith in the face of red tape and costly logistics. Now, we correct that with compassion and resolve,” ani Speaker Romualdez.

Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ang Department of Health (DOH) na bumuo ng mga alituntunin upang matiyak ang agarang paglabas ng mga labi mula sa mga ospital, habang makikipagtulungan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit upang magtalaga ng angkop na libingan at tiyakin ang pagkakaroon ng transportasyon kung kinakailangan.

Ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ay magkakaroon din ng mahalagang papel sa pagtitiyak ng tapat na pagsunod sa mga ritwal ng Islam.

Pinuri ni Speaker Romualdez si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, pangunahing tagapagtaguyod at isa sa mga pangunahing may-akda ng batas, sa kanyang dedikasyon sa pagsusulong na maisabatas ang panukala.

“Congressman Zia’s resolve reflects the heart of Mindanao and the spirit of genuine representation. His voice carries not only the cry of his people, but the ideals of a country that seeks to embrace all its children, equally and respectfully,” sabi ni Speaker Romualdez.

Bukod sa tagumpay sa panukalang batas, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang simbolikong bigat ng batas sa pagtataguyod ng pagkakaisa sa isang lipunang may iba’t ibang paniniwala.

“This law tells every Filipino – regardless of faith – that you matter. That your culture is honored, your beliefs are protected, and even in death, your dignity will never be diminished,” ani Speaker Romualdez.

“Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, iginagalang ang lahat ng pananampalataya, paniniwala at kultura. Pantay-pantay ang pagtingin sa bawat Pilipino, sa buhay at sa kamatayan,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Speaker Romualdez na ang pagpapatibay ng Philippine Islamic Burial Act ay bahagi ng mas malawak na adyenda ng lehislatura, upang maisulong ang mga inklusibong polisiya para sa mga komunidad na matagal nang hindi napapansin.

“As Speaker, I remain committed to leading a House that legislates not just with logic, but with empathy. We will continue to champion laws that protect rights, elevate dignity, and build a country where no one is invisible,” ayon sa kanya.

Sa pagtatapos, nagpasalamat si Speaker Romualdez kay Pangulong Marcos, sa kanyang mga kapwa mambabatas sa ika-19 na Kongreso, sa NCMF at sa lahat ng mga stakeholder na tumulong sa paggawa ng panukala at maisabatas ito.

“The Philippine Islamic Burial Act is not only a victory for our Muslim communities, but also for the Filipino spirit of respect, unity and shared humanity,” pahayag ni Speaker Romualdez.