CAAP

CAAP: Bagong PSC magsisimula sa Abril 21

Jun I Legaspi Apr 22, 2025
17 Views

NILINAW ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang bagong itinakdang Passenger Service Charge (PSC) ipapatupad lamang sa mga ticket na binili simula April 21, 2025.

Para sa mga pasaherong nakabili na ng ticket bago ang nabanggit na petsa, mananatili ang dating PSC na nakapaloob sa kanilang mga ticket at hindi sisingilin ng karagdagang halaga kahit anong petsa ang kanilang biyahe.

Simula Abril 21, ang mga pasaherong aalis patungo sa ibang bansa mula sa mga pandaigdigang paliparan (Principal Class 1 at Principal Class 2) sisingilin ng P900 o $17 bilang PSC para sa mga international departures.

Nilinaw rin ng CAAP na ang dating singil sa PSC para sa international departures P784 (kasama na ang buwis) at hindi P550 gaya ng lumabas sa ilang ulat.

Para naman sa mga domestic flights, ang mga bagong PSC P350 sa mga International Airports, P300 sa Principal Class 1 Airports, P200 sa Principal Class 2 Airports at P100 sa mga Community Airports.