Acidre House Assistant Majority Leader Jude Acidre

VP Sara kumpiyansa ng abswelto, hindi nga maipaliwanag nang maayos saan napunta pondo

24 Views

IKINAGULAT ni House committee on overseas workers affairs chairman Jude Acidre ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na kumpiyansa itong maaabswelto sa isasagawang impeachment trial ng Senado kaugnay ng mga paggastos sa confidential fund at iba pang alegasyon.

Ayon kay Acidre, nananatiling bigo si VP Duterte na maipaliwanag kung papaano nito ginastos ang kanyang confidential fund kasama ang P125 milyon na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.

Sinabi ni Acidre, na isa ring Assistant Majority Leader sa Kamara, walang laman ang sinasabi ni Duterte na wala siyang kasalanan dahil patuloy pa rin nitong iniiwasan na sagutin ang mga alegasyong nakasaad sa Articles of Impeachment na inihain ng Kamara de Representantes.

“What’s puzzling is the arrogance of certainty coming from the Vice President,” ani Acidre.

“You cannot claim vindication when you have yet to offer a full and truthful accounting of public funds entrusted to your office,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Acidre na ang patuloy na paggamit ni Duterte ng malabong depensa gaya ng “national security” ay lalo lamang nagpapalalim ng hinala ng publiko sa halip na linisin ang kanyang pangalan.

“Public officials are stewards of taxpayer money. When questioned, the proper response is transparency, not evasion. It’s not enough to say ‘I did my job.’ She must show us how, when and where those millions were spent,” ani Acidre.

Binatikos din ni Acidre ang mga naunang pahayag ni Duterte na tila minamaliit ang bigat ng mga paratang laban sa kanya.

“The Vice President continues to treat this as a political drama. But for the people who pay their taxes every day, this is about accountability and trust,” aniya.

Ayon kay Acidre, maaaring masyado pang maaga ang kumpiyansa ni Duterte sa kanyang kapalaran sa Senado, lalo’t mabigat ang mga akusasyon laban sa kanya.

“If she truly believes in the strength of her case, then she should welcome the trial as an opportunity to lay all her cards on the table. But right now, we’re hearing a lot of posturing and very little substance,” ani Acidre.

Itinuro rin ni Acidre na habang may karapatan si Duterte na ipagtanggol ang sarili, nasa kanya pa rin ang responsibilidad na pabulaanan ang mga detalyadong natuklasan sa pagdinig ng House committee on good government.

“The impeachment complaint did not materialize in a vacuum. It came after exhaustive hearings, testimonies and evidence pointing to clear irregularities,” aniya.

“This is not a popularity contest: it is a constitutional process grounded in facts,” dagdag pa ni Acidre.

“Hindi sapat ang tapang sa salita. Ang kailangan ng taong-bayan ay tapang na magsabi ng totoo at magpaliwanag. Hindi nga niya maipaliwanag nang maayos kung saan napunta ang pondo,” ani Acidre.

Hinimok rin ni Acidre ang Pangalawang Pangulo na itigil na ang pagsasangkot sa isyu ng kanyang pagiging taga-Mindanao o babae, dahil taliwas ito sa tunay na tanong na kailangang sagutin.

“Walang kinalaman ang regional or personal identity sa isyung ito. Ang pinag-uusapan dito ay pananagutan ng isang opisyal na tumanggap ng pondo para sa mga sensitibong operasyon, pero walang malinaw na detalye kung paano ito ginamit,” ani Acidre.

Binigyang-diin ni Acidre ang tungkulin ng Kamara na ipatupad ang Konstitusyon at tiyakin na ang lahat ng opisyal—anuman ang ranggo—ay may pananagutan sa kanilang ginagawa.

“This is about defending the sanctity of public service. We cannot allow public trust to be eroded by unaccounted secrecy,” ani Acidre.