Calendar
Lacson, Drilon: Mabuting adhikain ni BBM suportahan
BILANG tugon sa panawagan ni President-Elect Ferdinand Bongbong Marcos jr., dalawang senador ang nananawagan sa lahat na bigyan ng pagkakataon at pagtutulungan na maiangat ng bagong papasok na administrasyon ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Ito ang panawagan ni Senator Panfilo Lacson Huwebes kung saan ay binigyan diin niya rin ang kahalagahan na bigyang pagkakataon ng taong bayan ang pagsasaayos ng bansa tungo sa kaunlaran.
Sinabi ni Lacson na panahon na upang magtulungan ang bawat Pilipino sa ikabubuti ng lahat at aniya ay dapat lamang isantabi ang anumang hidwaan dulot ng pulitika para sa ika aasenso ng bansa.
Ayon pa kay Lacson, handa umano siyang makipagtulungan sa sinuman nagnanais na iangat ang buhay ng ating mga kababayan lalo pa aniya at sadyang napakahirap ng epekto sa ating ekonomiya ng pandemya naranasan sa buong mundo
Sinabi rin ni Lacson na suportado niya ang adhikain ni Marcos na makipagtulungan sa mga bansa tulad ng United States, Australia, Canada, European Union, Japan at mga kapit-bahay sa Asia sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin M. Drilon napapanahon na upang bigyan pagpapahalaga ang kapakanan ng nakararaming Pilipino partikular sa isyu ng edukasyon, Healthcare system, Hustiya at marami pa na pang ekonomiya bagay.
“President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. should capitalize on the so-called ‘honeymoon period’ and exercise political will in the first 100 days of his presidency to address these four urgent issues that remain unresolved and define his legislative priorities,” giit ni Drilon sa isang panayam.
“First and foremost, the issue of health. The COVID-19 pandemic exposed the weakness and inadequacy of our healthcare system. We lack hospitals. Our health information system is inefficient.
We do not provide sufficient protection and benefits to our healthcare professionals both in the public and private sectors,” Dagdag pa ni Drilon.
Naniniwala si Drilon na ang pag-iisip na magbibigay solusyon sa problema tulad ng kakulangan ng mga ospital, eskwelahan, Universal Health Care na programa at paglalagay ng mga tamang tao sa ibat-ibang departamento ang makatutulong sa bansa upang makalaban sa hamon dulot ng Covid -19 na pandemya.
“We must not repeat the mistakes of the past,” ani Drilon kung saan ay binangit din niya and korapsyon at overpricing ng kinakaharap ng PhilHealth.
Nagpahayag ng pag-asa si Drilon na aayusin ni President-elect Marcos ang mga kontrobersiyang umanoy nagpahirap ng husto sa maraming PIlipino sa panahon ng pandemya.