Isko

Campaign rally ni Isko, Chie dinadagsa

Edd Reyes Apr 27, 2025
18 Views

DINADAGSA ng mga tao ang kampanya nina dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Chi Atienza.

Noong Sabado dinumog ang pagtitipon ng mga kandidato ng Yorme’s Choice sa Baseco Compound sa Port Area at Punta, Sta. Ana.

Napalibutan ng napakaraming tao ang campaign area malapit na hindi pa nabubuksang ospital kaya nahirapang maka-akyat sina Domagoso at iba pang kandidato.

Nakadagdag sa kasiyahan ng mga taga-Baseco ang attendance ng malalaking pangalan pulitika na kumakandidato bilang senador at kinatawan ng Partylist.

Kabilang sa dumalo sina Manny Pacquiao, Sen. Francis “Tol” Tolentino at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na nangakong tutulong sa mga inilatag na plataporma ni Domagoso.

Binanggit din ni Domagoso ang gagawin niyang paglilinis muli sa mga lugar na dati ng naging ehemplo at tinularan sa mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa.