Marco at Cristine ’di nagkabalikan

Vinia Vivar Apr 30, 2025
181 Views

Iniintriga ngayon ang hiwalayan issue nina Marco Gumabao at Cristine Reyes. May isang vlogger kasing nagsabi na pera diumano ang dahilan ng breakup ng dalawa at hindi third party.

Diumano ay panay daw ang hingi ng pera ni Marco kay Cristine kaya ito iniwan ng aktres.

Ipinagtanggol naman ni Ogie Diaz si Marco sa kanyang vlog sa YouTube. Aniya ay hindi ito totoo. Matipid daw ang aktor at may pera ito.

“Si Marco ay sabihin mo nang matipid pero may pera ‘yan dahil ayaw nga niya ng umaasa. Maaga siyang naging independent. Hindi na rin siya umaasa sa kanyang parents. Ibig sabihin, marunong mag-ipon,” pagtatanggol ni Ogie kay Marco.

“At saka meron na ba tayong nabalitaan na naging dyowa ng matrona si Marco?” hirit pa niya.

Anyway, sa isyung nagkabalikan sina Cristine at Marco dahil nag-follow back na ang dalawa sa isa’t isa sa Instagram, ayon kay Ogie, hindi pa nagkakabalikan ang dalawa.

“Meron akong nakausap, very, very close sa dalawa. Hindi naman daw nagkabalikan,” sey ni Ogie.

“Mutual decision naman daw ang naganap. Hindi naman sila magkaaway. Kumbaga, naghiwalay sila na okay sila,” dagdag pa niya.

Matatandaang unang pumutok ang tsika na break na sina Marco at Cristine nang mapansin ng netizens na nag-unfollow sa isa’t isa ang dalawa.

Sa naunang vlog ni Ogie ay kinumpirma niya ang hiwalayang Marco at Cristine dahil may nakausap daw siyang close sa dalawa’t sinabing break na nga ang mga ito.

Hanggang ngayon ay wala pang pahayag si Marco o si Cristine hinggil sa issue.