Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
Suspek, 20 anyos, timbog sa rape sa QC
Melnie Ragasa Jimena
May 2, 2025
511
Views
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaking suspek sa kasong rape sa Quezon City noong Huwebes.
Kinilala ni QCPD Deputy Director for Administration/Officer-in-Charge P/Col. Randy Glenn Silvio ang suspek na si alyas Nold, 20.
Bandang alas-2:30 ng hapon ng arestuhin ang suspek sa Payatas sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong rape na inisyu ng Branch 86, Regional Trial Court, Quezon City.
Dinala ang akusado sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Payatas, Bagong Silangan, Quezon City para sa mga kaukulang proseso.
“Hindi titigil ang QCPD sa pagtugis sa mga kriminal na patuloy na nagtatago sa batas upang kanilang pagbayaran ang krimeng kanilang ginawa,” pahayag ng opisyal ng QCPD.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

