Cidu QCPD

Binata utas sa kapitbahay sa QC

15 Views

PATAY sa pamamaril ang 24-anyos na binata sa kanyang kapitbahay na nakatakas matapos ang pagpatay sa Quezon City noong Lunes.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-1:53 ng madaling araw ng maganap ang pamamaril sa Maligaya Dulo, Brgy. Sauyo.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSg Nido Gevero Jr., una nang pinagtangkaang patayin ng suspek ang biktima noong Pebrero 9 subalit nakatakbo ang biktima at nakapagtago sa kanyang bahay.

Noong Lunes muling binalikan ng suspek ang biktima at nang makita agad itong pinagbabaril hanggang sa mapatay.