Calendar

VM Nieto may malasakit, konkretong plano, gumagawa ng pagbabago
MALAKI ang naging papel ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto sa pagsusulong ni Mayor Honey Lacuna ng magagandang proyekto at programang pinakikinabangan na ng mga Manilenyo.
Sa tuwing may sisimulang proyekto ang alkalde, hindi niya nakakalimutang pasalamatan si Vice Mayor Nieto na katuwang niya sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga programa at proyekto kaya’t kumpiyansa ang alkalde na mananalo sila uli sa Lunes.
Sa gitna ng ingay ng pulitika at walang humpay na batuhan ng masasakit na salita, nananatiling kalmado, buo ang loob at matatag ang prinsipyo Nieto na halos dalawang dekada ng naglilingkod sa lungsod.
Sa bawat yugto ng kanyang career, pinapatunayan niyang hindi lang siya pulitiko kundi handang maglingkod na handang magsakripisyo at kumilos para sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.
Nagsimula bilang konsehal ng ikatlong distrito, walang sinayang na oras si Nieto at sinimulan niya ang Araw N’yo, Serbisyo Ko Medical Mission na nagbibigay ng libreng check-up, gamot, gupit, masahe at pagkain sa mga nangangailangan.
Noong siya’y kongresista, nakapaghain siya ng 1,224 na panukalang batas at 128 doon ang naging ganap na batas.
Bilang Deputy Majority Floor Leader, hindi siya kailanman lumiban sa sesyon, isang disiplina na bihirang makita sa mga kongresista.
Isa sa ginawa ni Nieto bilang vice mayor ang pagsusulong ng modernisasyon ng Konseho sa pamamagitan ng paglulunsad ng opisyal na website kung saan maaaring makita ng publiko ang mga ordinansa, resolusyon at iba pang impormasyon na isang hakbang patungo sa transparency at accessibility.
Sa muling pagtakbo bilang bise alkalde, dala niya ang karanasan, malasakit, at konkretong plano ng isang lider na hindi lang gumagawa ng ingay kundi gumagawa ng pagbabago.