Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Suspek

Rape suspek nalambat sa Caloocan

Edd Reyes May 8, 2025
15 Views

Suspek1NALAMBAT ng mga pulis ang suspek sa apat na bilang ng kasong panghahalay at isang kaso ng acts of lasciviousness sa Caloocan City noong Miyerkules.

Ayon sa report, limang taon na nakapagtago ang suspek sa Gubat, Sorsogon bago matunton sa Caloocan City.

Katuwang ng mga tauhan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Anthony Aberin ang mga operatiba ng Gubat police ng salakayin ang tirahan ng 65-anyos na suspek sa Llano Road, Brgy. 169, Caloocan City dakong alas-9:30 ng gabi.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest galing sa Sorsogon Regional Trial Court (RTC) Branch 54.

“He vanished from Sorsogon thinking Metro Manila would bury his sins. But there are no shadows deep enough to escape the reach of justice,” sabi ni Aberin.