BBM

Envoy ng Singapore, UK, France, EU nag-courtesy visit kay PBBM

392 Views

BBM1BBM2

NAG-COURTESY visit kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga envoy ng Singapore, United Kingdom, France, at European Union sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.

Unang dumating si Gerard Ho, Singapore Ambassador to the Philippines alas-9 ng umaga at sinundan ni Ambassador Laure Beaufils ng United Kingdom.

Alas-11 naman dumating si European Union Ambassador Luc Vèron at sinundan ni Ambassador Michelle Boccoz of France matapos ang isang oras.

Binigyan-diin umano sa pag-uusap ang kahalagahan na mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

“We see a lot of growth potential in the Philippines and we hope to see more and more Singapore companies coming into the Philippines’ market,” sabi ni Ho na nagpahayag ng kumpiyansa na lalo pang yayabong ang ugnayan ng Pilipinas at Singapore.

Kinumpirma rin ni Ambassador Ho na inimbita ni Singapore President Halimah Yacob si Marcos sa kanilang bansa.

Ikinatuwa naman ni Ambassador Beaufils ang pakikipag-usap nito kay Marcos.

“So, I am delighted that I just came out of the meeting with the President-elect which was really useful, very informative, and very warm. I was able to set out that the UK already has a really strong bilateral relationship with the Philippines and a strong friendship between our countries and between our peoples and that we intend to take that from strength to strength over the course of the president-elect’s administration,” sabi ni Beaufils.

Sinabi ni Beaufils na bahagya ring napag-usapan ang isyu ng climate change, energy, peace process sa Mindanao, human rights at media freedom.

Hindi naman nagpa-unlak ng panayam ang envoy ng France at EU.