Martilyo

Lolo minartilyo sa ulo, dedo!

20 Views

PATAY ang isang 67-anyos na lolo matapos pukpukin ng martilyo sa ulo ng nakaaway niya dahil pagtatalo dahil sa anak sa Quezon City noong Martes.

Dead-on-arrival sa Bernardino General Hospital ang biktima na residente ng Bagong Silang, Caloocan City.

Sa report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang alas-8:10 ng gabi ng maganap ang insidente sa Amethyst HOA, sa Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Alexiss Mace Jurado, bago ang insidente nakikipag iinuman ang menor-de-edad na anak ng suspek kasama ang dalawang kaibigan.

Patapos na ang inuman ng dumating ang biktimang na tila lasing at tinanong kung sila ba ay mga adik.

Hindi pa umano nasiyahan ang biktima at nilapitan ang menor-de-edad na anak ng suspek, na noon ay may kargang sanggol, sinunggaban at muling tinanong kung adik din ba ito.

Pagkatapos bigla itong tinulak ng biktima dahilan para muntikan nitong malaglag ang kargang sanggol.

Nakita ng suspek ang pangyayari kaya agad na kumuha ng martilyo, nilapitan ang biktima at pinukpok sa ulo at saka tumakas.

Idineklarang dead-on-arrival dakong alas-8:55 ng gabi ni Dr. Jayson Tejada.