Masahista Naaresto ng mga operatiba ng MPD Malate Police Station ang suspek dahil sa pangingikil sa biktima kapalit ng hindi pagpapakalat ng mga maseselang larawan sa social media.

Masahista laglag sa extra service na may kasamang kotong

Jon-jon Reyes May 25, 2025
67 Views

ARESTADO ang isang masahista matapos ireklamo ng “sextortion” sa P. Ocampo St., Brgy. 730, Malate, Manila noong Biyernes.

Nakilala ang suspek na si alyas Markiee.

Ayon sa ulat, nagsumbong sa mga pulis ang biktimang si alyas Brian Anthony, 28, kay Police Lieutenant Renen Malonzo, hepe ng Follow up Unit ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, na bina-“blackmail” siya ng suspek matapos niyang magpamasahe dito.

Na-“blackmail” siya dahil sa extra service ng suspek na akala niya naghihikahos sa buhay, ayon sa report.

Matapos ang serbisyo ng masahista, panay na ang tawag nito at humihingi ng P4,000 kapalit ng hindi pagpapakalat ng mga maseselan nilang videos sa Internet.

Natakot ang biktima dahil ilang beses siyang pinadalhan ng mga litrato ng suspek.

Nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad kaya nagkasa ng entrapment na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Aminado ang suspek sa kanyang ginawa dahil kapos lang daw siya sa pera kung kaya’t nagawa niya iyon sa biktima.

Nahaharap sa kasong robbery-extortion ang suspek.