QCPD

Mister nabuking bf ni misis sa messenger, bayaw binalingan, dinedo

20 Views

NAPATAY sa tatlong saksak ng obrerong nakatakas ang kanyang bayaw matapos magtalo dahil sa selos sa asawang nalaman ng suspek na may karelasyong ibang lalaki sa Quezon City noong Sabado.

Ayon sa report, sumugod sa bahay ng biyenan niya ang suspek upang hanapin ang kaniyang misis na nalaman niyang may ibang karelasyon dahil sa pagbabasa sa messenger account ng babae.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-11:00 ng gabi naganap ang insidente sa labas ng bahay ng suspek sa Brgy. Payatas B, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSg George Caculba, selos na selos ang 30-anyos na suspek sa kanyang asawa matapos mabasa ang mga message ng karelasyon sa cellphone.

Bago ang insidente, nag-iinuman ang biktima sa kanilang tirahan kasama ang isang kaibigan ng mapansin niyang wala sa bahay ang kanyang asawa.

Matapos nilang mag-inuman, pumunta ang biktima sa bahay ng kanyang biyenan para hanapin ang asawa at anak niya.

Doon na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek kamag-anak.

Kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ng tatlong beses ang biktima hanggang sa duguan itong bumulagta at mamatay.