Suspek Ang suspek na naaresto ng mga pulis sa Sta. Cruz, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Tindera ng shabu busted sa Sta Cruz

Jon-jon Reyes May 25, 2025
17 Views

NABULAGA ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Cruz police station 3 ng Manila Police District ang isang babae na may hawak na P102,000 na halaga ng shabu noong Sabado.

Nakumpiska habang nagbebenta ng iligal na droga si alyas Negra sa panulukan ng Malabon St. at A. Mendoza Avenue sa Brgy. 341, Sta. Cruz, Manila.

Sa ulat ni Police Captain Mark Joseph Carpio, hepe ng SDEU, bandang alas-9:45 ng gabi naaresto ang suspek na may dalang 15 gramo ng shabu na may katumbas ng halagang P102,000.

Nabatid kay Police Staff Sergeant Dan Lyndon Cacanindin na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Illegal Possession of Dangerous Drugs) ang suspek.