Shabu

Shabu, kush nakuha sa nasakoteng drug suspek

Edd Reyes May 25, 2025
20 Views

HALOS kalahating milyong pisong halaga ng shabu at mahigit P30,000 halaga ng kush ang nakumpiska sa babaeng suspek na tulak na nahuli sa buy-bust noong Biyernes sa Taguig City

Tiklo si alyas Catherine ng tanggapin ang P500 genuine na pera, kasama ang bungkos ng P1,000 boodle money, kapalit ng ibinentang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer sa Brgy. Sta Ana, dakong alas-11:55 ng gabi.

Nagulat si Catherine ng biglang sumulpot ang mga miyembro ng Taguig police na dumakip sa kanya.

Nakumpiska sa suspek ang 67.1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P456,280, 25 na gramo ng kush na nagkakahalaga ng P37,500 at ang markadong salapi na ginamit sa operasyon.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Joseph Arguelles, ilang linggo ng minamanmanan ang suspek.

“This arrest is a result of precise intelligence, timely coordination and the prompt execution of our operatives,” sabi ni P/BGen. Arguelles.