Calendar

3 lalaki, 4 na babae inaresto sa pagnanakaw sa loob ng S&R
SWAK sa selda ang pitong pinaniniwalaang awatan na target na biktimahin ang mga senior citizens sa Quezon City noong Linggo.
Kinilala ang mga nadakip na sina alyas Asinerro, 52; Maratas, 51; Reyes, 40; Delos Santos, 40; Timpangco, 46; Santiago, 33; at Abendan, 30.
Ninakawan lamang ng mga suspek na tatlong lalaki at apat na babae ang 77-anyos na babae sa loob ng S&R Membership Shopping branch sa Brgy. Bago Bantay nang madakip sila dakong alas-2:04 ng hapon.
Ayon sa report, bandang 2:04 ng hapon, abala sa pag-grocery ang 77-anyos na biktima sa loob ng S&R Membership Shopping branch sa Brgy. Bago Bantay.
Maya-maya ay pinalibutan ng mga suspek ang biktima at lihim na kinuha ang kanyang pitaka na naglalaman ng P2,020 cash, identification card at debit card.
Matapos noon, hiwa-hiwalay na tumakas ang mga suspek mula sa supermarket upang hindi sila mapansin.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong pagnanakaw sa tanggapan ng piskal ng lungsod.