Tulak Nagsagawa ng imbentaryo ang mga operatiba ng Sta. Ana police station 6 matapos maaresto ang tatlong lalaki at narekober sa kanila ang mahigit kalahating milyong pisong halaga ng shabu.

3 suspek na tulak huli sa dalang P500K shabu

Jon-jon Reyes May 26, 2025
24 Views

LAGLAG sa kamay ng mga pulis ang tatlong suspek na tulak dahil sa dalang 75.5 na gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P513,400 sa Chico St., Brgy. 91, Zone 100, Punta, Sta. Ana. Manila noong Linggo.

Nakilala ang unang target sa operasyon na si alyas Wise, 32, at tiklo din ang dalawang kasabwat niya na sina alyas Favian, 48; at Raymond, 53.

Ayon kay Police Captain Vianny Ortiz, hepe ng Station Drug Enforcement Unit, bandang alas-9:30 ng gabi ikinasa ang anti-drug operations sa naturang lugar.

Nakuha sa tatlo ang nasabing volume at halaga ng shabu kasama ang tatlong cellular phone na nakasilid sa itim na sling bag.

Nahaharap sa kasong paglabag sa kasong Article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive of Dangerous Drug of 2002) ang mga nahuli.