Calendar
Source: QCPD PIO
Suspek sa Payatas murder nasilo sa Laguna
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa pagpatay sa isang babae na itinapon sa tambakan ng basura sa Payatas.
Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng QCPD, naaresto sa isinagawang manhunt ang suspek na si alyas Felimon, 47, dakong alas-8:00 ng gabi noong Mayo 23 sa Brgy. Langkiwa, San Antonio Subdivision, Biñan City, Laguna.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Rolando Baula, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant na kinilala si Felimon na responsable sa pagpatay sa ginang na natagpuan sa tambakan ng basura sa kanto ng San Lorenzo at St. Beatriz Sts., Brgy. Payatas noong Mayo 14.
Nakumpiska mula sa naaresto kanya ang isang paltik na may isang bala ng 5.56mm at apat pang bala ng parehong kalibre ng baril.
Napag-alaman na ang akusado may nauna ng kaso ng murder noong Hulyo 2018.
Bukod sa kasong murder sasampahan din ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code), kaugnay ng COMELEC Resolution No. 11067.

