Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Metro
Pres. Ruben Catuira ipinagmalaki 2 award na natanggap ng Los Angeles Tanay USA Lions Club
Jojo Cesar Magsombol
May 28, 2025
496
Views
BILANG presidente ng Los Angeles Tanay USA Lions Club, si Ruben Catuira ay malugod at ipinagmamalaking ibinalita na nakatanggap sila ng dalawang Club Awards sa ginanap na 62nd Annual District 4 S-L3 Convention noong Lunes.
Ang bagong karangalan ay testamento sa mga pagsusumikap, malasakit, debosyon at paninilbihan ng tapat ng mga opisyal at miyembro ng Los Angeles Tanay USA Lions Club.
Ang Los Angeles Tanay USA Lions Club ay isang non-profit na service club organization sa ilalim ng Lions International District 4-L3.
Itinatag ito noong Setyembre 9, 2018 sa pamumuno ng yumaong PDG Ken Blackwood.
Ang mga miyembro nito ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng bansa at may direktang ugnayan sa bayan ng Tanay, Rizal.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

