Calendar

PRO 4A nagkaroon ng LAB Virus program
CAMP BGEN Vicente Lim–Idinaos ang LAB Virus Program and Medical Mission na may temang “Serving Those Who Serve: Kalusugan para sa Kapulisan ng CALABARZON” sa regional headquarters ng CALABARZON police office sa kampong ito sa Calamba City kamakailan.
Layunin ng aktibidad na tutukan ang mga pangangailangang medikal at mapabuti ang kabuuang kapakanan ng mga kapulisan sa rehiyon.
Iba’t-ibang serbisyong medikal ang ibinigay ng libre, kabilang ang general medical check-up, blood testing, pagbabakuna, dental at optical services at nutrition at mental health counseling.
Tumulong ang mga personnel mula sa Regional Medical and Dental Unit 4A, mga medical volunteers mula sa iba’t-ibang ahensya at mga partner mula sa mga pribadong institusyon.
Nasa 80 personnel ng PRO 4A ang lumahok sa nasabing aktibidad.
May 15 critically ill personnel ang binigyan ng financial assistance mula sa PNP OLC FI at kay P/BGen. Paul Kenneth Lucas, Regional Director ng PRO 4A at Mary June Lucas, Regional Adviser ng PRO 4A.
Naging mahalagang bahagi ng programa ang pagbibigay mensahe nina Mrs. Mary Rose Marbil, outgoing national adviser ng PNP OLC Foundation Inc., dating PNP chief Rommel Francisco D. Marbil at PNP chief P/Gen. Nicolas D. Torre III.