Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Suspek

Pulis narecover CP ng Kano sa mga batang palaboy

Edd Reyes Jun 10, 2025
385 Views

NAGPASALAMAT sa mga pulis ang Amerikano ng maibalik ang cellular phone niya na ninenok ng mga batang palaboy sa Taguig City.

Sinabi ng 47-anyos na dayuhang negosyante na kapuri-puri ang pagresponde ng mga pulis nang humingi siya ng tulong matapos matangay ng mga batang palaboy ang kanyang smartphone na nagkakahalaga ng P15,000.

Sa ulat ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Joseph Arguelles, naglalakad si Thomas noong Sabado sa 25th St., 10thAvenue Bonifacio Global City, Brgy. Fort Bonifacio dakong alas-11:50 ng umaga nang paligiran ng anim na mga menor-de-edad na batang lalaki na humihingi ng limos.

Bibigyan na sana niya ng pera ang mga bata nang mapansin niyang nadukot na ang kanyang cellular phone sa kanyang bulsa na dahilan upang magpulasan ang mga palaboy.

Nadakip ang 15-anyos na binatilyo at nabawi ang tinangay na cellphone.