Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
Calendar
Metro
RIT bumira, babae tumba
Edd Reyes
Jun 13, 2025
246
Views
TODAS ang 34-anyos na babae dahil sa mga tama ng bala mula sa riding-in-tandem (RIT) noong Huwebes sa Valenzuela City.
Sa pahayag ni alyas Anthony, 42, dating kinakasama ng biktimang si alyas Jenny, kay Valenzuela Assistant Chief of Police P/Maj. Jose Romero Hizon, droga ang maaring ugat ng pagpatay sa babae.
Lumabas sa pagsisiyasat na kakatagpuin sana ng biktima ang isang alyas JunJun ng paslangin sa kanto ng F. Bautista St. at McArthur Highway, Marulas.
Tinungo ng pulisya ang bahay ni alyas JunJun subalit hindi na siya natagpuan.
Sa ulat ni Maj. Hizon, bukod kay Jun-Jun ay kabilang din sa mga persons-of-interest si alyas Butchoy at ang kasalukuyang live-in partner ng biktima na hindi nabanggit ang pangalan.
Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
2 magkaibigan tiklo sa pagnanakaw
Jul 10, 2026
Parak kumilos; tiklo 2 suspek sa nakawan
Jul 10, 2026
P14M shabu nakumpiska ng BOC-NAIA agents
Jul 10, 2026
Mayor Isko nanguna sa MPD command conf
Jul 10, 2026

