Calendar

NBI inaresto magkapatid ng bebot na sangkot sa ‘child rape videos for sale’
INARESTO ng mga agents ng National Bureau of Investigation (NBI), sa pamumuno ni Director Jaime Santiago, ang dalawang suspek sa Concepcion, Tarlac dahil sa kasong child exploitation at nailigtas ang 10 menor-de-edad noong Hunyo 10.
Nag-ugat ang kaso ng mga suspek sa pag-aresto sa Swedish national at sinasabing child sexual offender na si Heinz noong Abril 2 ng NBI–Violence Against Women and Children Division (VAWCD) at ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU).
Base sa imbestigasyon, isang Filipina facilitator na sangkot sa produksyon at pagbebenta ng mga live-streamed webcam shows na naglalarawan ng sekswal na pang-aabuso sa mga bata ang ugat ng pag-aresto sa dalawa.
Dalawang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) ang bitbit ng mga NBI agents na nagsagawa ng entrapment sa magkahiwalay na tirahan sa Concepcion, Tarlac ng mga suspek kasabay ang rescue sa mga menor de edad.
Naisagawa ang rescue at paghuli sa mga suspek sa isang joint enforcement team na binubuo ng mga ahente ng NBI-VAWCD, NBI Tarlac District Office, NBI Digital Forensic Laboratory Division, NBI photographers, mga tauhan ng Homeland Security Investigations (HSI), Department of Justice-Inter-Agency Council Against Worker Trafficking (DOJMSIA), Municipal Development Office Social Welfare and Trafficking, media at Destiny Rescue Philippines (NGO).