Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Metro
P1.80/liter itataas ng gas, diesel sa Martes
Edd Reyes
Jun 16, 2025
447
Views
SISIPA ng P1.80 kada litro sa Martes ang presyo ng gasolina at diesel habang P1.50 naman ang kerosina.
Inanunsyo ng mga malalaking kompanyang Petron Corporation, Chevron Philippines, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at Flying V na magsisimula alas-6:01 ng umaga ang petroleum price adjustment.
Ganito rin ang price adjustment ng PTT Philippines, Total Philippines, Petro Gazz, Unioil Philippines at Phoenix Petroleum habang ang Clean Fuel ay alas-4:01 ng hapon ang simula ng pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni PTT Philippines Media Relation Officer Jay Julian na itinatakda ng mga lokal na kompanya ng langis sa bansa ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo batay sa galawan ng halaga ng langis sa world market.
Sumalpok sa police station, sugatan ‘di na kinasuhan
Sep 16, 2026

